Tara na at subukan ang 100% authentic Korean dishes na talagang galing Korea ang recipes at Korean ang nagluto sa Kimchi Kingdom!
Masasarapan ka na sa pagkain, ma-re-relax ka pa dahil meron silang Al Fresco at may view na overlooking Metro Manila.
Masarap na, freshly made pa at higit sa lahat, healthy ang mga pagkain dito.
What we tried:
SAMGYUPSAL KIMBAP
Eto ang hindi lang babalik-balikan namin kung hindi pati sa delivery ay oorder kami nito. Napakasarap ng combinations ng mga ingredients nila dito, umaapaw talaga sa dami ng flavors kaya talagang magugustuhan ninyo.
BOSSAM
Isa ito sa best-seller nila dahil napaka-sarap talaga ng pagkaluto ng pork belly, lalo na kapag dip mo pa sa sauce nila na special mix na may samjang, shrimp sauce at iba pa. Tapos susundan mo pa ito ng pamuchim para talagang kumpleto ang mix ng lasa sa iyong bibig.
PAJEON
Korean seafood pancake sya na talagang magugustuhan ninyo dahil sa texture at ingredients na kasama nito. Lalo na kung seafood lover ka malalasahan mo talaga ang sarap nung shrimps kasama yung ibang ingredients tapos ididip mo pa sa special sauce nila para lalong mag elevate yung lasa ng Pajeon.
JAJANGMYEON PREMIUM
Eto talaga yung isa sa excited ako matikman dahil madalas ko to nakikita sa mga korean drama na paborito nila. Tamang tama ang combination ng tamis at alat ng sauce na may halo pang ibang flavors na talagang mag eenjoy kayo. tapos udon noodles ang kasama nito kaya talagang marerecommend ko ang dish na ito.
SUNDUBU
Hindi ako mahilig sa spicy foods pero itong Sundubu ay talagang nagustuhan ko dahil paghapag sa iyo ay talagang kumukulo pa siya. Saktong sakto ang init ng sabaw at anghanghang nito na lalong magpapagana sa inyong pagkain. May kasama pa itong mga soft tofu na napakalambot sa bibig na magbabalanse sa anghang sa inyong bibig.
GYERAN-JJIM
Isa ito sa mga bagong favorite ko dahil sa texture nito na sobrang fluffy at sobrang flavorful. Pag-serve pa lang sa inyo ay umuusok pa ito sa loob kaya tingin pa lang talagang mag-eenjoy ka na. Kapag kinutsara mo na ito ay talagang matutuwa ka din dahil sa lambot ng texture at talagang satisfied ang iyong taste buds kapag natikman mo na.
Other Favorites namin dito:
YANGYEOM CHICKEN WINGS – Must try sa mga Chicken Wings nila.
GARLIC PARMESAN CHICKEN WINGS
LEMON GLAZE CHICKEN WINGS
ODENG SOUP
MATCHA LATTE
CARAMEL MACCHIATO
SOTTEOK-SOTTEOK
BIBIMBAP
Overall:
Talaga must-try ang Kimchi Kingdom lalo na kung naghahanap kayo ng authentic Korean dishes na swak sa inyong pang-lasa. Hindi lang kayo mag-eenjoy sa sobrang dami ng kanilang dishes, madami rin drinks na pagpipilian. Sobrang relaxing pa ng lugar para kung gusto nyo mawala ang stress nyo hindi lang dahil sa sarap ng pagkain kungdi dahil na din sa ambience. Instagrammable pa ang mga pagkain kaya talagang matatakam ang mga friends mo kapag post mo ito.
PS:
At kung gusto nyo talaga ng full Korean experience meron din silang Unlimited Samgyupsal para sa mga mahilig sa Samgyupsal at meron din silang Unli-wings.
LOCATION:
Aqua Huts Private Resort, Baltao Subdivision, Taktak Road, Antipolo City.
#kimchi #kimchilovers #kimchikingdom #hiddengem #hiddengeminantipolo #tayonasaantipolo #masayamagpaskosaantipolo #antipolofoodtrip #antipolocity #foodtrip #roadtrip #foodlovers #koreanfoodlovers #koreanfooods #bibimbap #kimbap #bossam #pajeon #jajangmyeon #sundubu #gyeranjjim #yangyeom #garlicparmesan #unlimited #unlisamgyup #unlimitedsamgyupsal #matcha #latte #sotteoksotteok