LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Jenneth Ocampo, Guagua
Ang isang Panauhin ay puro mga Merienda at Gift items ang pinamili at may kasamang isang pirasong clipboard.
Ilagay daw namin sa O.R. na Assorted Office Supplies. Sinabi ko sa Panauhin na hindi pwede dahil tatanungin kami kapag nag-audit. Ang maaari naming ilagay ay nakahiwalay ang isang pirasong clipboard at kasama pa rin ang ibang paninda sa O.R.
Hindi pwedeng lahat kasama sa “assorted office supplies”. Wika ng kasama niya, “Sabi ko sayo e, sa XYZ pwede. Dito sa Pandayan hindi, dahil maselan!” Ginawa kong void ang unang pag-punch at hiniwalay ko ang clipboard para magawan ng sariling O.R.
May isang Panauhin na nagsabi din na kung pwedeng gawing tig ₱6 ang HBW Matrix sa O.R. Sinabi ko rin na hindi pwede!
Kung ano ang nasa resibo ay ito rin ang ilalagay namin na presyo. Wika ng panauhin,
“Hindi kasi namin narereimburse ang mga pamasahe namin kaya pinapataas ko ang presyo. Hindi binabalik ng Boss namin ang pamasahe namin.”
Muli kong sinabi na pasensya na at kami ang mananagot sa BIR sakaling ma-audit kami. Sinubukan pa akong turuan ng Panauhin na dayain ko na lang daw!
Pero sabi ko na hindi pa rin pwede at pasensya na.