LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Sinulat ni Rizza Siasat, Morong
Naging makabuluhan ang dalawang araw na dinaluhan namin ni Ferdie na couple’s retreat na handog ng Pandayan at ng Family is a Gift.
Ang layunin nito ay mas patibayin ang pagsasama ng mag-asawa. Twelve years na kami kasal at nagsasama ni Ferdie ay nabigyan kami ng pagkakataon sa ganitong klase na seminar kung saan tinalakay ang kwentong pampamilya at pagpapatibay ng relasyon.
Para sa amin, malaking refreshment ang aming naramdaman –halong saya, may ilang realizations at naging look back sa aming pagsasama.
Walang perpektong relasyon. Nagiging perpekto lamang ang isang relasyon dahil may pagmamahal.
Sa aming mag-asawa, ako ay mapalad na nakilala si Ferdie dahil siya ay mapagmahal, responsableng ama sa aming mga anak, masaya at optimistic na kasama sa buhay.
Siya ang tumatayong speaker at decision maker sa aming pamilya. Naniniwala ako na nasa mabuti kamay lagi sa lahat ng nagiging desisyon niya para sa amin. Siya at ang aming mga anak ang pinaghuhugutan ko palagi ng lakas at tibay ng loob.
Marami kami napagkakasunduan lalo pagdating sa paghawak at paggastos ng pinansyal.
Tungkol sa mga desisyon at pagtutulungan namin mag-asawa para sa mga bata ay pareho kami ng pananaw. Wala kami naging malaking bagay na pinagtalunan. Pero may ilang pagkukulang kami sa isa’t isa at may mga maliliit na pagtatalo na madalas ay ipinagsawalang bahala na lamang namin.
Natutunan ko sa retreat na hindi ko kailangan maging martir sa aking nararamdaman na kahit nasasaktan ako sa salita ay pipiliin ko na lamang maging tahimik at babalewalain na lamang.
Natutunan rin namin na mag-share ng nararamdaman at importante sa mag-asawa na magsabi ng lungkot, takot o kung ano man ang ikinagugulo ng isip ng bawat isa. “Small things matter” na kinakailangan pa rin pag-usapan. Kailangan ay unawain at pahalagahan ang bawat isa.
Napakahalaga ng komunikasyon dahil ito ang nagpapatibay ng ugnayan ng mag-asawa.
Kasama sa tinalakay sa retreat ang 5 languages of love at masaya kami ni Ferdie dahil proud kami na taglay at ginagawa namin ang 5 na bagay sa aming pagsasama. Ang pagkakaroon namin ng quality time, words of affirmation, acts of service, receiving of gifts at ang physical touch.
Nagpapasalamat kami sa ating mga Boss dahil sa paghahandog at pagpapahalaga nila para mas pagtibayin ang relasyon ng pamilya. Sa pamamagitan ng retreat ay mas napag-usapan namin ng mas masinsinan ang aming mga pagkukulang at umuwi kami ni Ferdie baon ang saya ng aral at gabay na aming natutunan.
Naging makabuluhan ang dalawang araw na couple’s retreat na handog ng Pandayan at ng Family is a Gift.