LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop

Akda ni Grace Dela Cruz, San Carlos

Abril 2023 ang aking 10th Anniverasary sa Pandayan bilang Regular. Nagulat ako sa chat ni Ma’am Mai ng Tanggapan ng Pakikipagkapwa nitong nakaraang linggo. May inupload na raw silang shoe subsidy para sa aking 10th anniversary.

Sobrang kagalakan ang aking nadama noong nabasa ko iyon. Na-upload ito sa aking ATM dahil hindi ko inaasahan na maaga ko itong matatanggap.

Excited na nga din talaga ako na mag-2023 dahil 10 taon na ako sa Pandayan at makakatanggap muli ako ng karagdagang benepisyo mula sa Pandayan.

Sobrang nakakamangha talaga ang ating kompanya. Ang daming benepisyong ibinibigay para sa mga Kapwa Panday. Ito rin ang aking laging ipinagmamalaki sa mga probee at Kapwa Regular upang mas lalo silang ma-inspire at ma-motivate sa kanilang trabaho.

“I am very proud to be part of Pandayan Bookshop!” Sobra ang aking pasasalamat sa lahat ng aking natatanggap na benepisyo mula sa Pandayan at sa mabubuting puso ng ating mga mahal na Boss. Ang sarap lamang magtrabaho kapag ganito kahusay ang pamamalakad ng kompanya.

Kung sa lahat din siguro ng kompanya ay ganitong pamamalakad at mapagmahal sa empleyado ang mga may-ari at nasa mataas na posisyon ay tiyak maraming may trabaho. At mas magiging matagumpay at maayos ang ating bansa dahil maraming mga Pinoy ang mananatili nang matagal sa kanilang kompanya at maipagmamalaki rin nila ito.