LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Kaela Gaza, Canlubang
Araw ng roving noon, dahil halos ¾ na laman ng delivery truck ay sa amin. Ang ibang mga kahon ay nakalagay sa tapat ng pintuan ng laman loob kung saan hindi makakasagabal sa panauhin.
Kasalukuyan akong nagche-check nang lapitan ako ng isa naming regular panauhin. Kinumusta niya ako noong una at pagkatapos napansin niya ang dami ng aking mga ichinecheck na kahon.
Napasambit siya na, “Ang dami ninyong deliveries ano?” Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya sabay napatanong siya, “Paano niyo ‘yan natatapos agad? Doon kasi sa pinupuntahan kong DIY shop, ‘pag may deliveries doon, dalawang linggo na lumipas pagbalik ko ay nasa kahon pa rin yung items.”
“Nagtutulungan po kasi kami na matapos agad ang mga ito, ma’am. Kung may isa pong hindi pa tapos ay tutulungan po ng isang Kapwa na naunang makatapos ng gawain,” tugon ko sa panauhin.
Bumilib naman siya sabay puri, “Ang galing naman. May bayanihan pala kayo dito sa inyong tindahan.”
Nagpasalamat naman ako sa papuring natanggap mula sa panauhin. Nakakatuwa kapag na appreciate nila ang effort naming mga Kapwa.