LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Peter Pagtakhan, Los Baños
Habang kakuwentuhan ko ang aking kuya na ilang taon ding hindi nakauwi mula sa bansang UAE at ngayon lang muli nakabalik ng Pinas ay napabilib sa ating kompanya. Lagi niyang sinasabi na maswerte ako at may katulad ni Pandayan na nagbukas sa aming lugar (Siniloan), dahil kung hindi binuksan iyan ay sa malamang na nag-abroad na rin ako ngayon.
Akala raw ng iba na masarap mangibang bayan pero, para sa kuya ko, kung meron lang siyang ibang mapagkakakitaan na maayos dito sa atin ay mas pipiliin daw niyang ‘wag nang umalis ng Pilipinas. Pareho ang aking ate at kuya na nasa UAE na. Ako na lang ang naiwan sa mga magulang namin kaya malaki rin talaga ang pasasalamat ko sa Pandayan dahil hindi ko na kinailangan pa mag-abroad para lang maitaguyod ang aking pamilya.
Bilib din ang kuya ko dahil nakikita niya na mas marami na kaming naipundar na mga kagamitan, nakapagpagawa ng bahay at maayos na service para sa pagpasok sa trabaho. Malaking bahagi talaga ng tinatamasa kong buhay ngayon ay dahil sa mga natutunan kong aral sa Pandayan. Dito ko na rin kasi natutunang ‘wag maging padalos-dalos sa paggastos.
Hindi dahil nataas ang sweldo ay itataas na rin ang cost of living. Mas pinili pa rin naming mag-asawa na sapat lang na allowance ang aming gagastusin at hindi bumase sa sahod na aming natatanggap. Sa buhay pamilyado ay nagkakaroon kami ng panahon para sa aming mga anak na maipasyal sila tuwing kami ay sasahod.
Makapagbahagi ng aming kinikita sa aming mga magulang na kahit na hindi sila humihingi ay malaking bagay na ito para sa kanila na makikita at mararamdaman mo rin naman na dumarating din sila sa point na kinakapos na, dulot na rin ng pagtanda at paghina ng mga katawan. Kaya naman sa mga Kapwa na lagi nating nakakasama, na siyang pangalawang pamilya na natin ay patuloy lang natin silang gabayan upang sa paglipas ng panahon ay naipapasa at naipapadama natin sa kanila ang pagiging mapalad na Kapwa Panday.