LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop

Akda ni Ronalyn M. Chavez – BTC135

Maging matatag at magpatuloy sa pangarap. Hindi dahilan ang pandemya para panghinaan ng loob. Hindi ka uusad kung hindi mo haharapin ang bawat pagsubok.

Malaking sakripisyo ang malayo sa pamilya para sa trabaho ngunit hindi ako nag-alinlangan na tanggapin ang bagong yugto ng paglalakbay ko. Malayo sa nakasanayan ko ngunit isa akong Panday. Walang duwag na Panday!

Mapalad ako dahil sa hirap ng buhay ngayon ay may hanap-buhay pa rin ako.

Isa sa mahalaga para sa akin ang trabaho ko. Hindi dahil kailangan ko kundi ito ang nagturo sa akin na maging matatag at maging positibo sa kahit anong unos na dumaan.

Binuo nito ang mga kakulangan sa buhay ko. Nakahanap ako ng bagong pamilya na nasasandalan ko.