LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Armeeh M. Bumiltac – MRA80
Lahat tayo may pangarap na trabaho sa buhay. Ngunit minsan mapagbiro ang tadhana. Kung ano pang iniiwasan mo o ayaw mo minsan ay siya pang ibibigay sayo.
Hindi sa ayaw ko sa aking trabaho ngunit pinamulat ng pandemya sa akin na kahit ano pa yang trabaho mo basta marangal ay mabubuhay ka sapagkat ito ang nagsisilbing kusina mo.
Dito ka kumukuha ng pantustos mo sa araw araw. Kaya dito ka nabubuhay. Maging kontento, maging mapagpasalamat huwag maghangad ng labis sapagkat ang sakto lang ay sapat na.
Natutunan ko ngayon na, lahat naman ng trabaho ay pera ang hinahanap ngunit iilan lamang ang kompanyang may malasakit sa kanyang mga empleyado at masasabi ko na isa si Pandayan dito.
Mahalin mo ang iyong trabaho maging ito man ang iyong pangarap o hindi. Magtiwala sa plano at direksiyon ng Diyos. Sabi nga, wala ka sa isang sitwasyon kung saan ikaw ay mapapasama basta’t magtiwala ka sa Diyos.
Trust His process, trust His timing because at the end it will be the sweetest perfect time. Do good, do well because no good deed is left unrewarded.