LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang kapwa panday ng Pandayan Bookshop
GE Arjay Rivera, Pangkat 18
Isa sa mahalagang natutunan ko ay ang isang paliwanag na nagmula kay Boss Paula. Sa kanyang pagbabahagi para sa kanyang napulot na aral mula sa learning session ni Boss JVC nabanggit niya na ang bawat pag-uusap ng isang magkaharap ay isang diyalogo. Ang nagmamay-ari ng nagiging usapan ay ang magkabilang-panig.
Ang aral na nakuha ko dito ay dapat maging malinaw sa pagkausap sa isang kapwa. Dapat lagi nating tandaan na ito ay isang diyalogo na nagiging karanasan ng kapwang magkausap. Dapat bilang isang pinuno o SE mahalaga na maunawaan natin na ang bawat pagkausap natin sa ating kapwa ay magsisilbing karanasan sa kanila kung paano natin sila itrato.
Kung galit at hinagpis ang bawat pagkausap natin sa kanila ay iyon ang maiiwang karanasan sa kanila at maging sa atin din. Kung maingat naman tayo sa pagkausap sa ating mga kapwa ay iyon din ang maiiwan sa kanila na karanasan na maari nilang kapulutan ng aral.
Sa ating palakad mahalaga ang diyalogo at dapat mas maging maingat tayo sa lahat ng ating sasabihin at ipapaunawa sa isang Kapwa. Mahalaga na sa huli pagkatapos ng inyong pag-uusap ay mauunawaan niya ang iyong nais na iparating at may isang pwersa na magpapaalsa ng kanyang damdamin upang mas mahalin ang kanyang trabaho at mas maging malawak ang pag- iisip. Dapat imbes na manliit sila sa inyong pag-uusap ay mas magkaroon sila ng gana sa kanilang pagtatrabaho.
Sa panahon ng pandemya, natutunan ko bilang isang lider na hindi tayo dapat mawalan ng tiwala sa ating sarili, at kaya natin mapagtagumpayan ang ating layunin. Maging positibo tayo sa ating mga ginagawa sa araw araw para maibigay ang pangangailangan ng ating mga panauhin.
Hindi dahilan ang pandemyang ito para tumigil tayo sa pag abot ng ating mga pangarap. Bagkus ay gawin natin itong motivation upang lalo tayong umunlad. Dahil ang tagumpay ay masusukat kung paano mo naibibigay ang pangangailangan ng mga panauhin (customer).
Masasabi ko din na napakapalad ko dahil nasa mabuting kamay ako (Pandayan) na kahit hindi ako nakapasok noong kasagsagan ng lockdown dahil sa buntis ako ay hindi nila ako pinabayaan. Mas pinaramdam nila sa akin, sa aming lahat kung gaano kahalaga ang bawat Kapwa na kanilang nasasakupan.