Nick Asis, Tilap ng IT Software
Naalala ko pa noong una akong pumasok sa Pandayan. Halos hindi ko alam paano humawak ng computer kahit na computer graduate ako dahil na rin sa hindi kami masyadong natutukan ng aming school. Madalas theory lang ang aming ginagawa.
Dahil sa patuloy na paggabay sa akin ng aking mga kasama ay unti-unti nag-improve ang aking kakayahan sa teknikal.
Noong probee pa kami sa Pandayan isa rin sa nakakasama namin at nagtuturo sa amin ay si Boss Jacob.
Kaya naman may pagkakataon ako na kinakabahan ako sa aking mga gawain. Pero sa maayos na pakikitungo sa amin ni Boss Jacob ay naging normal na lang din sa akin na makasama siya sa mga task sa teknikal. Yung mga kakayahan na hindi ko akalain na magiging skills ko ay unti-unting itinuro sa amin ni Pandayan.
Ang Pandayan ay hindi katulad ng ibang kompanya na kung ano lang ang trabaho mo o task mo ay yun lang ang iyong gagawin. Sa Pandayan ay binibigyan kami ng pagkakataon na hubugin pa ang iba pa naming kakayahan.
Nitong huli lang ay nabigyan kami ng pagkakataon na makasama sa seminar ng Epson at maging isang Certified Epson Service Engineer.
Kaya naman lubos ang pasasalamat ko sa Pandayan sa patuloy na paghubog sa aking kakayahan at sa tiwala sa akin na ito’y aking mapagtatagumpayan.