LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang kapwa panday ng Pandayan Bookshop
Anlier Baltazar, San Miguel
Sa panahon ng pandemya, natutunan ko bilang isang lider na hindi tayo dapat mawalan ng tiwala sa ating sarili, at kaya natin mapagtagumpayan ang ating layunin.
Maging positibo tayo sa ating mga ginagawa sa araw araw para maibigay ang pangangailangan ng ating mga panauhin.
Hindi dahilan ang pandemyang ito para tumigil tayo sa pag abot ng ating mga pangarap. Bagkus ay gawin natin itong motivation upang lalo tayong umunlad.
Dahil ang tagumpay ay masusukat kung paano mo naibibigay ang pangangailangan ng mga Panauhin (customer).
Masasabi ko din na napakapalad ko dahil nasa mabuting kamay ako (Pandayan) na kahit hindi ako nakapasok noong kasagsagan ng lockdown dahil sa buntis ako ay hindi nila ako pinabayaan.
Mas pinaramdam nila sa akin, sa aming lahat kung gaano kahalaga ang bawat Kapwa na kanilang nasasakupan.