LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Maria Theresa P. Lucero – Malolos Graceland
Sa simula pa lang ay tinuruan na tayo ng Pandayan kung paano maging masinop sa pera. Gumastos ng naaayon sa pangangailangan. Timbangin ang wants vs. needs. Hindi mahalaga kung maliit o malaking halaga ang kailangang itabi, ang importante ay sa tuwing sweldo mayroong bahagi na mapupunta sa ipon hanggang sa maging habit mo na talaga ang mag-ipon.
Gamit ang formula na sweldo-ipon= expense, ito ang pinagkakasya namin hanggang sa umabot muli sa susunod na sweldo. Mahalaga din ang pag-breakdown ng expenses para makasiguro na maba-budget itong mabuti.
Ang pagpapahalaga sa kung ano ang mayroon ka, malaki o maliit man, huwag makakalimot magpasalamat.
Sa dinanas nating pandemya, ang tapat na paglilingkod, pagmamahal at pagmamalasakit ang ilan sa pinakanatutunan ko. Kung paano tayo hinubog ng ating mga Boss at kasamang Kapwa gamit ang Kultura ng Tagumpay bilang isang Panday.
Lahat tayo ay natatakot dahil hindi natin nakikita ang kalaban, ganunpaman, mas nanaig ang patuloy na paglilingkod ng taos puso sa ating mga mahal na Panauhin.
Isa itong propesyon na maituturing na walang pwedeng maging hadlang upang makapagbigay tayo ng serbisyong totoo sa lahat ng nangangailangan.