LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang kapwa panday ng Pandayan Bookshop
Grace Dela Cruz, San Carlos
Habang ina-assist ko ang isang guro na regular ng Panauhin ay nagkakwentuhan kami tungkol sa aming daily routine. Naitanong pa niya sa akin kung ano ang aking tinapos na kurso. Wika ko ay “Tapos po ako ng BEED.”
Nagulat siya at nagtanong muli kung bakit hindi na lang ako magturo. Sayang naman daw ang aking pinag-aralan.
Nangiti ako sabay sabing, “Naku Ma’am, hindi po sayang dahil masaya na po ako dito sa Pandayan at ayoko po talagang magturo ng base lamang sa nilalaman ng libro. Iyon lang po talaga ang pinakuha sa aking ng mga magulang ko. Nasubukan ko naman po magturo pero hindi ako masaya kaya naghanap ako ng ibang trabaho na sasaya at mag-eenjoy po ako.”
“Sabagay, tama din naman kung hindi ka din naman masaya sa trabaho mo wala din. Bakit naman Pandayan napili mo?” Magandang katanungan ito (ininterview na ako ng guro).
“Pandayan ang akin pong napili dahil masaya akong magtrabaho dahil na din sa aming mga Boss na sobrang humble at may pakikipagkapwa-tao, may pagpapakatao at makatao sa mga empleyado at ibang kapwa. Hindi sila yung tipong tao na mapagmataas. Turing nila kaming kapamilya. Masaya din po ako na makatrabaho ang mga Kapwa at makapaglingkod sa mga Panauhin katulad niyo po. Masaya ako na nakakausap at may nalalaman po tayo sa bawat isa’t isa, tungkol sa ating mga personal na buhay.”
Nakikinig siya sa aking mga sinasabi at naramdaman ko na interesado siya. Sa huli ay nagpasalamat din ako sa kanya dahil naibahagi ko sa kanya ang buhay namin dito sa Pandayan.
Saglit akong napaisip sa sinabi niya pero bakit nga ba Pandayan? Sa dami nga naman na kompanya na maaaring pagpilian pero bakit nga ba ang Pandayan ang aking napili. Maraming dahilan kung bakit kompanya ng Pandayan ang pipiliin.
Siyempre, una na dito ang mga mababait na Boss, maganda at maraming benepisyo, magandang Mission at Vision hindi lamang para sa kapwa kundi pati na sa mga Kapwa Panday.
Pagkakaroon na din ng malaking incentives at yearly salary increase mula sa Pandayan. Mayroon ding mga salitang sariling atin kung saan ikaw ay hindi isang dayuhan sa iyong pinagtatrabahuhan.
Marami pang mga bagay na maaaring maibahagi kung iisa-isahin natin ito at tatanungin ang ibang Kapwa Panday base sa kanilang karanasan sa Pandayan. Masaya talagang magtrabaho sa Pandayan dahil hindi ka lamang isang empleyado kundi isang kapamilya ang turing sayo.
Pantay na trato sa mga Kapwa at trabaho na may kalayaang ilabas ang pagiging orihinal mo. Nakakataba ng puso na ituring ka ng may ari ng kompanya bilang isang invisible asset.
Kaya I’m so proud to be part of Pandayan.