LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop

Sinulat ni Micaella Won, Sta. Cruz

Napansin po ng aking SE at ASE ang aking pagkatamlay at ako po ay kanilang kinausap at sinabi ko po ang aking problema.

Nabuhayan po ulit ako sa kanilang mga ipinayo. Dahil dito po ay hinanap ko po ulit ang aking sarili. Sinubukan po muli gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa akin noon. Sinubukan ko po ang pagguhit, pagbabasa, at ang palakasang mga aktibidad.

Sa lahat po ay mas nabuhayan ako sa pag-ehersisyo. Dahil po dito ay nag-enroll ako sa isang gym malapit po sa aming sangay. Pagkatapos po o bago ng aking duty ay dumideretso po ako dito.

Madami pong nagsasabi na pinapagod ko lang daw po ang sarili ko dahil imbis na ipahinga ko na po ay nag gi-gym pa ako. Para po sa akin hindi lamang po ito basta pagpapaganda ng katawan o pagpapagod.

Nakakapagod man po ito sa pisikal ngunit naipapahinga naman po nito ang aking isipan. Nagkakaroon po ako ng peace of mind dito.

Sa trabaho po ay bumalik po ang aking sigla at mas ramdam ko pong nagiging magaan ang aking pakiramdam kapag ako ay nag-ehersisyo. Natutulungan din po nito na mas gumanda ang aking emosyon.

Sa ngayon po ay Ganado na po ulit ako lagi sa aking trabaho at mas maganda ang aking mood sa araw-araw. Sobrang laking tulong po nito sa akin. Kapag mabigat po ang aking nararamdaman ay dito ko rin po binubuhos lahat dahil wala po akong napaglalabasan ng aking nararamdaman.

Siguro po kung hindi ko po ulit nagawa ang mga bagay na nagpapasaya sa akin ay may mga maling desisyon na po akong nagawa.

Kinakailangan din po natin alagaan at mahalin ang sarili natin para sa ating ikauunlad.