LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop

Akda ni Mai Castillo, San Isidro

August 14, 2024 ay isinagawa namin ang Arts and Crafts Workshop with day care workers ng Municipal Social Welfare Development o MSWD ng San Isidro.

Lumapit po sa atin ang MSWD Head na si Ma’am Janneth Yambao kung ano ang pwede nating gawing training para sa kanilang mga daycare workers at aide. Noong mga nakaraang taon ay nakakapag-conduct na rin po kami ng workshop sa mga estudyante ng mga daycare center dito sa San Isidro kaya pamilyar na rin po sila sa Pandayan. Hindi po sila nagdalawang isip na tayo po ang mag-facilitate sa gagawin nilang training para sa kanilang daycare workers.

Ang sabi nga ni Ma’am Janneth sa kanyang opening remarks ay dapat magkaroon ng continuous learning ang kanilang mga daycare workers. Meron na rin pong matatagal sa serbisyo ng pagtuturo na umabot na ng 38 years. Isa raw ang Pandayan Bookshop sa naisip nila na baka makatulong sa kanila.

Ang aming Sining Pandayan na isinagawa ay puppet making na pinangunahan ni Caretaker ASE Angelito Pascual bilang facilitator.

Puno po ng tawanan ang loob ng conference room habang isinasagawa ang kanilang workshop. Nag-enjoy po ang mga daycare workers sa kanilang ginagawa. Kasunod naman po nito ang aming Storytelling activity na pinangunahan ni ASE Edralin Geronimo ng Cabanatuan.

Dama po namin ang husay ni Ma’am Edz habang siya ay nagsimula ng magkuwento. Nagbigay din siya ng mga proper tips sa storytelling na talagang naging interesado din ang mga guro.

Pagkatapos po kaming bigyan ng sertipiko at mga daycare workers at aide ay muli nagpasalamat sa Pandayan Bookshop si Ma’am Janneth. Hindi raw niya expected na magiging ganoon kaganda ang magiging training nila ngayon araw. Umaasa po sila na hindi ito ang magiging huling training nila sa atin.

Nakakataba po ng puso kapag meron tayong natutulungan o napapasaya sa ating komunidad, sa pamamagitan ng pag-conduct o pag-facilitate ng workshop sa mga school.

Malaking tulong ang mga training na ibinibigay ng ating kompanya para ma-boost ang confidence upang makisalimuha sa mga matataas na tao sa ating komunidad, tulad ng makapag-conduct ng training para sa teacher ng daycare, makapag-facilitate ng workshop at makapagbigay ng opening remarks.

Nagpapasalamat po kami sa Pandayan Bookshop dahil sa patuloy na pag-encourage sa mga Kapwa na maging competitive palagi at ma-boost ang confidence.