LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Alyssa Marie Felicilda, Sto. Niño
Sa bawat araw na dumadaan ay iba’t ibang tao ang ating nakakasalubong, nakikita at nakakasalamuha. At isa diyan ay tiyak na mayroong kapansanan o people with disability.
Sa tagal ko sa Pandayan Bookshop ay ilang beses ko nang nakaka-encounter ang mga deaf at mute. Natutuwa ako sa mga senyas na ginagawa nila at nagtataka kung ano ang kanilang mga pinag-uusapan. Minsan ay grupo sila kung dumating. Minsan naman ay solo lang.
Sa bawat pagpunta nila ay sinusubukan kong kahit papano ay makipag-usap sa kanila. Nag-research ako ng mga basic sign language na alam kong maiintindihan ko at maiintindihan din nila.
At natuwa ako sa response nila dahil nagalak sila sa aking ginawa. Kahit simpleng “Hello” at “Thank you” lang ang alam ko ay na appreciate pa rin nila.