LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Yves Orphiano, DK
Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagbibigay sa akin ng katangian liban sa iba na magagamit kong kalakasan para sa kompanyang aking pinagsisilbihan at nang makapagbigay puri sa Dakila ninyong Pangalan. Nagpapasalamat ako sa lahat-lahat ng paggabay ninyo sa akin tungo sa kung anong meron ako ngayon, Sir Oliver at Sir Dennis.
Ano nga ba ang Pandayan? Anong klase ang kompanya ito? Unang araw ko sa Pandayan bagamat naninibago sa environment ay madali naman nakapag-adapt dahil lahat ng Kapwa ay madaling mapakisamahan, madaling lapitan at madaling makaintindihan.
Ang Pandayan hindi lang siya basta kompanya na papasahurin ka. Isa siyang BAHAY kung maihahalintulad na huhubog sa katangian at personalidad ng isang individual o Kapwa sa mas ikakayabong at ikauunlad. Ang Pandayan isa rin siyang KAIBIGAN na masasandalan mo sa oras na ikaw ay may iniisip na maaring nakakabagabag sa iyo.
Ang Pandayan isa rin silungan na aagapay sa iyo sa oras ng pangangailangan. Ilan lamang iyan sa mga katangian ng Pandayan Bookshop na aking napansin sa halos anim na buwan kong pamamalagi. Napakaganda ng environment, magigiliw ang lahat at masayang mag trabaho. Wala namang madali na trabaho lahat mahirap pero kapag nasa Pandayan ka parang ang gaan lang ng paggawa.