LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Yhen Popelo, Cubao
Ngayon nasa Pandayan na ako, masasabi ko na isa ito sa aking kayamanan. Kayamanan hindi sa salapi kundi kayamanan dahil mayaman ito sa pagmamahal at pagmamalasakit sa mga Kapwa. Kayamanan na habang buhay kong ipagmamalaki.
Minsan nga habang nag-uusap kami ng anak ko na walong taong gulang, bigla siyang nagsalita, “Mommy may ibubulong ako sa’yo.”
Sabi ko, “Ano po iyon anak?”
“Paglaki ko po gusto ko po mag-Pandayan,” bulong niya.
Ngumiti ako, at sinabing, “Bakit naman po anak?”
Sagot niya, “Eh kasi Mommy idol kita eh! Gusto ko maging katulad mo. Maganda uniform mo, mommy! Turuan mo ko mommy ng mga ginagawa mo sa Pandayan. ‘Diba sabi mo po mabait mga Boss mo.”
Labis ang aking pagkagulat sa narinig ko sa aking anak, na kahit walong taong gulang pa lamang ito ay nasa isip niya na paglaki niya ang magtatrabaho siya sa Pandayan, na kung saan labis kong ipinagmamalaki.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at sinabing, “Wow naman anak! Basta po ha, mag-aral kang mabuti ha!”