LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Jessica Vasquez, Malolos Xentro Mall
Isang araw, pumasok ako sa Goldilocks Calumpit Branch. Nakangiti at masaya silang bumati sa pagpasok ng mga customer. Pagpasok ko ay nakilala ako ng isa sa mga staff hindi bilang ako, kundi bilang empleyado ng Pandayan dahil sa aking uniform.
Binati niya ako ng “Mabuhay” na may kasamang ngiti. Napatingin ako na nakangiti dahil alam niya ang pagbati nating mga Panday at bumati rin ako ng “Mabuhay” sa kaniya.
Hindi ako nagtanong sa kaniya ngunit siya ang nagkuwento na ang kapatid niya ay sa Pandayan raw nagtatrabaho bilang guard sa Apalit Branch. “Masayang magtrabaho sa Pandayan,” banggit pa niya dahil kita at ramdam daw niya ito sa kaniyang kapatid.
Hanggang palabas na ako ng kanilang store ay nandoon pa rin ang sigla at tuwa ng kaniyang pasasalamat sa akin bilang isang customer at humabol pa ng pagbati ng “Mabuhay” sa aking pag-alis.
Nakakatuwa dahil nakita at naramdam ko sa kaniya na ganito rin tayo kagiliw at kaayos mag-asikaso at makitungo sa ating mga panauhin. Naranasan ko kung anong pakiramdam ng mga panauhin natin na nasisiyahan sa ating serbisyo.
Ganito pala ang nararamdaman ng mga panauhin nating pumapasok sa atin sa tuwing tayo ay masayang bumabati at nagpapasalamat sa kanila.