LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop

Akda ni Wilmarie Bautista, Gumaca

Habang ako ay nag-aayos ng mga laruan sa Selling Area, lumapit sa akin si Kapwa 3rd Arm Azel. Tinanong niya sa akin kung pwede niya ba akong makausap kahit saglit lamang. Agad naman kaming nagtungo sa opisina.

Binanggit sa akin ng aming 3rd Arm ang kanyang layunin na makapagsagawa ng free art workshop para sa mga indigent children ng aming nasasakupang barangay.

Binanggit niya na nais niyang mahandugan ang mga kabataan na walang kakayahang makasali sa mga art workshop dahil sa kakulangan sa pinansyal. Ang kanyang matatanggap na SL-VL ang kanyang gagamitin upang makabili ng mga workshop kits.

Noong una ay tinanong ko siya kung sigurado siya sa kanyang nais na gawin. Banggit niya na ipinagpaalam na rin niya ito sa kaniyang pamilya at suportado naman daw siya ng mga ito sa kanyang nais na gawing proyekto.

Banggit rin niya na hindi naman niya inaasahan na makakatanggap siya ng SL-VL dahil siya ay bagong regular pa lamang. Kaya ang kanyang nakuhang unang biyaya ay nais niyang itulong sa mga kabataan.

Nabanggit ni Kapwa Azel na ang makatulong sa pamayanan ay labis niyang ikinagagalak, kaya ang kanyang natanggap na SL-VL ay kanyang inilaan para sa pagtupad ng kanyang proyekto.

Katuwang ang SK Chairman sa naging tagumpay ng isinagawang Sining Pandayan sa barangay.