LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop

Akda ni Nina Joy Idian, Lucena

Simula ma-regular ako sa Pandayan, isa sa aking nais maipundar ay ang magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Simula Probee, nakita ko kung gaano kaganda ang Pandayan at may malasakit sa mga empleyado, kaya naman naglakas loob agad akong kumuha ng hulugang bahay at lupa.

Sa tulong ng Diyos, dahil sa pagbibigay niya sa akin ng sapat na lakas, ay 4 years ko naring hinuhulugan ito at pwede ko na itong lipatan at simulang ipaayos.

Kaya naman nitong nagdaang mga incentives at 13th month pay ay agad ko itong inilagay sa aking savings dahil ang sunod ko namang pinag-iipunan ay ang maipaayos ang hinuhulugan kong bahay at doon masimulan ang maliit na negosyo.

Nagpapasalamat ako sa Pandayan Bookshop dahil bukod sa pagiging mabuting tao, tinuturo rin nila ang pag-iipon, tamang paghawak ng pera at pagkakaroon ng pangarap para sa hinaharap. 

Hangad lagi ng Pandayan na mapabuti at mapaayos ang buhay ng bawat Kapwa.