LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Mello Jazz Perez, Sta. Rosa
Sa pagdiriwang ng aking kaarawan ay nag-isip ako ng kakaibang maaaring magawa. Bukod sa pagsasalamat sa buhay na pinagkakaloob sa ’kin ay pasasalamat din sa lahat ng biyayang aking nakakamit.
Nakasanayan ko na sa tuwing kaarawan ang pagpapakain sa mga kasama sa tindahan. Kaya naman sa pagpapakain ko sa aking mga kasama sa tindahan, ay isinama ko na rin sa order ang mga partner courier riders namin mula sa Angkas 24/7 Laguna Riders.
Marami-rami din kaming partner courier riders kaya naman ginawa kong pakulo ay “First 10 riders na mag-claim sa tindahan.”
Nakakatuwa dahil na-excite rin pati ang mga rider sa pag-claim ng Jollibee Spaghetti sa tindahan. Nagse-send pa ng picture ang bawat rider na nakakuha at nakaabot sa first 10. Kitang-kita sa mga larawan na masaya sila at labis na nagpapasalamat.
Nagpaabot din ako ng mga set of orders ng Jollibee sa mga kalapit na business establishment sa aming tindahan tulad ng Baliwag Lechon Manok, Mercayda Bakery Shop at Puregold Admin office.
Isang makabuluhang kaarawan na naman ang naisagawa ko ngayong taon. Makabuluhan dahil alam kong hindi lang ako ang naging masaya sa araw na ito, kung hindi madaming tao ang napasaya ko sa maliit na bagay.