Pinangunahan ni Barangay San Jose Sangguniang Kabataan Chairman Dok Monte Tolentino ang oath-taking ng bagong officers ng YULA (Ynares Unified Ladies Association) ng San Jose.

Ginanap ang oathtaking, na kasabay na rin ng Christmas Party ng grupo, sa multi-purpose covered court ng Sitio Buhanginan, Barangay San Jose.

Layon ng YULA na mas palakasin pa ang tinig ng kababaihan sa kanilang sariling mga lugar.

Si Norma Curitana ang YULA President at si dating Kagawad Emily Cruz naman ang YULA Head Coordinator ng Barangay San Jose na siyang personal na nag-imbita kay SK Chairman Tolentino sa pagtitipon na ito.

Gusto ng YULA na ma-empower ang mga kababaihan ng Antipolo sa pamamagitan ng sariling kabuhayan at patuloy na ma-develop ang kanilang kaalaman sa makabagong teknolohiya at pamamaraan.

Kaya naman nakikipag-ugnayan sa Antipolo City Hall, sa iba pang mga ahensya ng gobyern at maging sa private sector ang liderato ng YULA para mabigyan ng mga seminar upang magkaroon ng mga livelihood ang mga myembro.

#kababaihanangbida #womenpower #WomensEmpowerment2022