LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Anna Liza C. Daroy – MUZ81
Lubos ang aking pasasalamat sa Pandayan Bookshop dahil sa kabila ng pandemya ay isa ito sa nagiging haligi din naming mga Kapwa.
Natutuhan ko na bukod sa aking kalusugan, ang Pandayan ay kailangan din naming pangalagaan dahil isa ito sa aming mga pinagkukunan.
Isa na din sa natutunan ko na hindi hadlang ang pandemya na makapaglingkod sa Kapwa, bagkus isa ang Pandayan sa nagbukas ng kamay para doon sa mga nangangailangan.
Masasabi ko na malaki din ang kahalagahan na ako ay nabilang sa ganitong kompanya.
Mas naintindihan ko kasi na hindi lang dapat ayos na tayo ay makabenta, bagkus kailangan na sa bawat benta na iyong nakukuha ay may mga matatamis din na ngiti sa paglabas nila sa tindahan.
Madalas na masasabi ko, ang Pandayan na siguro ang mayroong pinakamagandang Customer Service dahil na din sa mga Kapwa na walang sawang gumawa ng “extra effort” ma-satisfy lang ang pangangailangan ng mga Panauhing binabalikan sila.