LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
John Paul Fernando, Capas
Ako ay nagagalak dahil umaapaw ang aking natatangap na blessing mula sa aking paglilingkod sa Pandayan.
Dati, sa aking pamimigay ng tulong sa mga kapwa na kapos sa buhay ay humihingi pa ako sa magulang ko ng pera upang ipambili ng aking pamimigay ngunit nang ako ay nagtrabaho na sa Pandayan Bookshop – Capas Branch ay naging malaking tulong ito sa akin.
Mula sa aking sahod, sa incentive at sa mga benepisyong natatanggap ay natutulungan ko na ang aking magulang, nakakapagtabi rin ako ng kahit kaunting savings para sa aking kinabukasan at higit sa lahat ay hindi na ako humihingi sa aking magulang ng pambili ng aking pamimigay bilang donasyon sa mga kapos palad. Nagmumula na ito sa sarili kong bulsa.
Hindi naging mahirap sa akin ang pagtatrabaho sa Pandayan dahil sa araw-araw na pagtulong sa mga Panauhin na pumapasok sa aming tindahan upang mamili ng kanilang kailangan.
Sa paglabas ko ng tindahan ay tumutulong ako ng paunti-unti sa mga kapatid natin na medyo kapos sa buhay dahil sabi nga sa isang qoute ay GIVING IS A CHOICE.
Kung gusto mo talaga magbigay ay makakapagbigay ka pero kung ayaw mo ay marami talagang dahilan. Ganyan rin sa pagtulong, tumulong tayo sa kapwa sa kahit na anong paraan tayo makakatulong.