LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Amy Domingo, Meycauayan
Bago magsara ang tindahan ay may isang estudyante na taga PCCM ang nag-iwan ng drinks sa guard, at ang sabi ay para kay Ms. Annaross.
Noong pauwi na kami at wala ng Panauhin ay ibinigay ni SG Gumatay kay Annaross ang drinks na pinabibigay ng Panauhin sa kanya. Natawa si Annaross sa message ng Panauhin. Nakalagay ay “Thank You Ms. Annaross for da last day.”
Ang kwento dito ay bumili ang Panauhin sa atin at si Annaross ang cashier. Kulang ang pera ng Panauhin ng ₱3 kaya sabi niya na babawasan na lang niya ng 1 piraso folder.
Sinabi ni Annaross na “Ok lang. Sige kunin mo na. Ako na ang bahala sa kulang mo.”
Natuwa ang Panauhin sa ginawa ng ating Kapwa kung kaya’t nagbigay siya ng munting sukli. Hindi naman natin ito sinasabi sa mga Kapwa na kapag kulang ang pera ng Panauhin ay kanilang abonohan pero ganoon pa man sa ating mga kwento sa kanila ay nagagawa nila ito sa mga Panauhin.
Nagkukusa sila na magbigay para sa Panauhin dahil nararamdaman nila ang malasakit sa kapwa at pakikipagkapwa.