LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Sa Pandayan, mawawala talaga sa iyong vocabulary ang mga salitang “di ko alam o di ko kaya” dahil kahit matagal ka na ay maraming kakaibang karanasan ang iyong makakaharap. Dito mo makikita ang iyong “hidden talent” na kahit ikaw ay hindi mo alam na kaya mo pala itong gawin. Tulad na lang ng pag-ayos ng highlight display na akala ko noon ay mga professional o may dating karanasan ang tanging makakagawa nito.
Pumasok ako kay Pandayan na ang tanging baon kong kaalaman ay galing sa dati kong pinasukan. Hindi ko alam na madadagdagan pa ito ng mga hindi ko inaasahan. Ang pagharap sa mga maraming tao ang isa sa mga kinkatakutan ko dahil ako ay mahiyain pero dahil sa tulong na rin ni Pandayan sa pamamagitan ng workshops at kung ano-ano pa at sa mga Kapwa Panday na gumabay at tumulong sa akin upang maging isang Panday ay narito ako ngayon na isang matibay at walang inuurungan kahit na gaano ito kahirap.
Hindi ko alam na sa pagpasok ko kay Pandayan ay maraming pinto ang magbubukas. Sobra-sobra ang nadagdag sa aking kaalaman at natutunan. Ngayon masaya ako dahil hindi lang pangarap ng pamilya ko ang natutupad kundi natutupad ko rin ang mga pangarap ko sa aking sarili na maging isang matatag at isang mabuting tagapagpatupad na handang gumabay sa mga kapwang nagsisimula pa lang lumakad sa kani-kanilang mga daang tinatahak.