Tayo na sa Antipolo para magpabakuna.
Patuloy tumatanggap ng Walk-in sa Antipolo City para sa 1st dose ng Sinovac sa Huwebes, Sept 30.
Tatanggap ng WALK-IN – taga Antipolo ka man o hindi – para 1st dose sa 3rd floor, Ynares Events Center, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo.
Mababakunahan ang 1,200. Siguraduhing rehistrado sa vaccination program via https://antipolkobantaycovid.appcase.net/.
Tatanggap din ng WALK-IN, para 1st dose ng Sinovac at pati na rin mga hindi pa nakakatanggap ng 2nd dose matapos 28 days o higit pa.
Pumunta lamang sa mga vaccination site sa Antipolo Cathedral, OLPS Gym; Waltermart Mall, Circumferential Road; 3rd Floor, SM Masinag; 2nd floor XentroMall Antipolo; Ground floor Robinsons Place Antipolo; 2nd floor, SM Cherry; Victory Park and Shop near Antipolo Cathedral; at Fatima covered court, Barangay San Isidro.
Habang naghihintay ng karagdagang supply ng bakuna, wala po muna tayong 1st dose ng Pfizer at AstraZeneca.
Para sa 2nd dose ng Moderna sa mga nabakunahan ng 1st dose dito sa Antipolo pero hindi pa nababakunahan ng 2nd dose pwede walk-in para sa inyong 2nd dose sa September 30 Huwebes sa 3rd floor, iMall Antipolo.
Para sa 2nd dose Sputnik sa mga nabakunahan ng 1st dose dito sa Antipolo maaari po kayong magpunta mula Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. sa Antipolo City Health Office sa M. Santos St., Barangay San Roque, Antipolo City.
Paalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.
Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.
Ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.
Para sa karagdagang kaalaman pumunta sa http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen
Para sa PASSWORD RETRIEVAL at iba pang Bantay COVID-19 QR Code CONCERNS, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS