Tayo na sa Antipolo! Para magpabakuna.
Tatanggap ng Walk-in sa Antipolo City para sa 1st dose ng AstraZeneca, Sinovac at Pfizer sa Martes, Sept 28.
Tatanggap ng WALK-IN – taga Antipolo ka man o hindi – para 1st dose ng AstraZeneca sa 3rd floor, Ynares Events Center, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo.
Mababakunahan ang 1,200. Siguraduhing rehistrado sa vaccination program via https://antipolkobantaycovid.appcase.net/.
Samantala tatanggap din ng WALK-IN, para 1st dose ng Sinovac at pati na rin mga hindi pa nakakatanggap ng 2nd dose matapos 28 days o higit pa.
Pumunta lamang sa mga vaccination site sa 3rd floor, iMall Antipolo; 3rd Floor, SM Masinag; Ground floor, Robinsons Place Antipolo; CEMEX covered court, Sitio Tagbac, Barangay San Jose.
Tatanggap din ng Walk-in para 1st dose ng Pfizer o pati na rin mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 21 days o higit pa. Pumunta lamang sa 2nd floor, SM Cherry at 3rd floor, SM Cherry.
Tatanggap din ng Walk-In para 1st dose ng AstraZeneca at pati na rin mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 8 weeks o higit pa.
Pumunta lamang sa Victory Park and Shop Mall sa tabi ng Antipolo Cathedral; sa Antipolo Cathedral, OLPS Gym; sa Waltermart Mall, Circumferential Road; at sa 2nd floor, XentroMall Antipolo.
Sa mga nabakunahan na ng 1st dose ng Moderna dito sa Antipolo pero hindi pa nakakatanggap ng 2nd dose tatanggap din ng mga walk-in para sa inyong 2nd dose sa September 29, Miyerkules at September 30 Huwebes sa Robinsons Place Antipolo.
Paalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.
Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.
Ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.
Para sa karagdagang kaalaman pumunta sa http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen Para sa PASSWORD RETRIEVAL at iba pang Bantay COVID-19 QR Code CONCERNS, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS.