Pwede pa ring mag WALK-IN Sabado, Sept 25 para unang beses bakuna sa Ynares Events Center, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo.
Hanggang 1,200 ang babakunahan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Pumunta lamang sa 3rd floor, Ynares Events Center ang mga gustong magpabakuna taga Antipolo ka man o hindi.
Siguraduhing rehistrado sa vaccination program via https://antipolobantaycovid.appcase.net/.
Samantala tatanggap din ng WALK-IN Sabado Sept 25, para 2nd dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga hindi nakakatanggap ng pangalawang dose matapos 28 days o higit pa.
Pumunta lamang sa mga vaccination site sa Waltermart Mall, Circumferential Road; 2nd Floor, XENTRO Mall Antipolo; 3rd floor, iMall Antipolo; at sa 3rd floor, SM Cherry.
Tatanggap din ng Walk-In Sabado, Sept 25 para 2nd dose ng Pfizer para sa mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 21 days o higit pa. Pumunta lamang sa 2nd floor, SM Cherry.
Tatanggap din ng Walk-In Sabado Sept 25 para 2nd dose ng AstraZeneca sa mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 8 weeks o higit pa. Pumunta lamang sa Victory Park and Shop Mall near Antipolo Cathedral at sa Antipolo Cathedral, OLPS Gym.
Paalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.
Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card. Ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.