LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Lorna Arca, Muzon
May isang estudyante na nakita ng aming guard na ang tagal niyang naghahalungkat sa kanyang bag. Narinig ko na tinanong ni SG Samaniego ang estudyante.
Magbabayad na raw sana ito kaya lang ay di niya makita ang pera nito sa bag niya. Inalok siya ni Samaniego na siya na lang ang magbayad dahil mukhang kailangan ng estudyante ang mga items na pinili subalit babalik na lang daw ang estudyante dahil medyo marami ang bibilin ng estudyante.
Nang palabas na ang estudyanteng lalaki ay tinanong pa ito ng guard dahil baka raw walang pamasahe ito ay pahiramin niya. Sabi naman ng estudyante ay may naiwan pa naman barya sa bulsa niya.
Pag-alis ng estudyante tinanong ko ang aming guard kung kilala niya yung estudyante subalit hindi raw. “Paano kung di ka bayaran, kuya?” Ang sagot naman niya ay “Okey lang naman, Ma’am, kasi naawa ako. Mukhang kailangan niya na yung bibilhin niya sa atin.”
Nakakatuwang marinig ito sa ating mga Kapwa na may ganoong pananaw na handang tumulong lalo na’t nakikita nila na kailangan ng mga estudyante yung bibilhin nila sa atin. Hindi sila nag-aatubiling tumulong,
Maging ang ating mga Kapwa probee na nagiging CSS minsan ay ganoon din. Nagpapaalam sila para madagdagan nila yung pera ng estudyante kapag kulang.
Nakakatuwa na hindi lamang tayong mga nakadilaw ang may ganitong pananaw kundi lahat ng ating kasama sa tindahan. Nahahawahan at nahihikayat natin na maging mabuti at matulungin sila kahit na sa maliit na bagay lamang.