LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Melisa Cruz, Muzon
Sa nakaraang Halloween Workshop namin sa tindahan ay iniwan ng isang magulang ang dalawa niyang anak.
Tinanong kung gaano katagal matatapos ang workshop. Mayroong lang muna daw siyang bibilhin at babalikan na lamang ang mga bata kaya’t binilin muna siya kay Kapwa Jessa.
Nasa edad 10 at 11 ang dalawang bata. Mabait at tahimik naman po ang mga bata, kaya’t sa oras ng workshop ay wala naman pong naging problema.
Pagkatapos ng workshop ay wala pa rin ang nanay kaya tinext ni Kapwa Jessa ang magulang. Para mas maging safe ay sa loob ng tindahan naghintay ang dalawang bata.
Maya-maya ay dumating na rin ang nanay. Nagpasalamat siya kay Kapwa Jessa, sa pagtingin sa kaniyang anak habang wala siya.
Sa atin sa Pandayan hindi lamang sa pag-a-assist makikita ang ating customer service, maging sa paraan ng pangangalaga sa kanila. Kaya naman masasabi po natin na nasa mabuting mga kamay ang ating Panauhin sa bawat oras.
Nakakatuwa rin po isipin na mayroon silang tiwala sa atin sa pangangalaga sa kanilang mga anak.