LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Bryan Jan Roque, Urdaneta
Sa aking pagbabantay sa package counter ay napansin ko ang batang Panauhin dahil habang tintingnan ko siya ay parang meron siyang hinahanap na tao, paikot-ikot sa tindahan at tumingin din sa labas ng tindahan.
Nang hindi makita ng bata ang kanya hinahanap ay bigla itong lumabas sa tindahan. Iniisip ko kung sino nga ba ang kasama ng batang iyon at naalala ko matandang babae ang kaniyang kasama.
Agad kong hinabol ang bata dahil mapapalayo ito sa tindahan. Nakita ko na ang lola niya na nasa loob pa ng tindahan. Umiiyak na ang bata akala niya ay iniwan na siya. Sinamahan ko siya sa kaniyang lola na sakto po na nagbabayad na.
Nagpasalamat po ang Panauhin sa atin. Wika pa nga ni lola “Agbasol nak pay jay nanang mo” o sa salita Tagalog ay magkakaroon pa ako ng kasalanan sa nanay mo.
Sinabi ng Panauhin natin sa kaniyang apo, “Ano sasabihin mo kay kuya?” “Salamat po, kuya.”
At sinabi ko sa Panauhin na bata, “Walang anuman. Sa susunod wag ka nang masyado lalayo sa inyong lola para di ka mawala. Humawak ka lang kay lola.”