LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang kapwa panday ng Pandayan Bookshop
Mona Roxas, Gerona
Isang sakripisyo kapag nalalayo ka sa iyong pamilya lalo na kapag tayo ay nagkakasakit.
Isang gabi after store hours nagpasama si 3rd ARM Jayvie sa probee namin para magpa check-up. Hindi ako mapalagay kaya nag-text ako sa kanila kung kumusta ang resulta.
Ayon kay Probee Ardy ay pinapa-confine na ito ng doctor na tumingin pero ayaw ni Jayvie kaya binili na lang nila ang niresetang gamot at nakabalik na sila sa boarding house.
Magkalapit lang kami ng boarding house na tinutuluyan ni Jayvie kaya pinuntahan ko agad siya para alamin ang kanyang kalagayan. Napansin ko na medyo namumula na ang kanyang mukha at nanghihina. Hinikayat ko siyang bumalik muli sa ospital para magpa-confine na.
Bumalik kami sa unang hospital na kanilang pinuntahan pero hindi pala sila tumatanggap ng PhilHealth kaya lumipat kami sa Perez Hospital. Dengue ang naging finding sa kanya.
Agad ay nagpa-admit na kami para mabantayan siya ng mabuti. Kinabukasan ay dumating naman ang kanyang mga magulang kaya kampante na akong iwan siya sa hospital.