LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni John Mark S. Villegas, Tabaco
May isang panauhing batang babae na pumasok sa aming tindahan. Sa unang tingin ay hindi mo siya mapapansin na may kapansanan. Kumpleto lahat sa kanyang personalidad ngunit sa isang banda ay may problema siya sa kanyang pananalita.
Mayroon siyang speech disability, hirap makapagsalita at hindi maiintindihan ang kanyang pananalita. Lumapit siya sa cubicle at may itinuturong iba’t ibang uri ng ballpen. Agad naman itong nilapitan ng aming kahera na si CSS Kimberly.
Todo asikaso ang aming kahera. Hindi niya alam na ito ay may kapansanan. Magbabayad na ang batang babae, inilapag niya ang kanyang mga napiling bibilhin. Kasalukuyan na napadaan at huminto ako sa Lane 2 kung saan siya nagbabayad.
Bigla siyang umalis at dumating ang kanyang nanay na kanina pa pala pinagmamasdan ang kilos ng aming kahera.
Doon din nagkuwento ang nanay ng batang babae at ipinaliwanag niya sa amin kung paano tratuhin ng maayos ang kanyang anak. Sa ibang uri ng tindahan ay nakaranas ang anak niya na hindi pansinin at dinadaan-daanan lamang ito.
Kaya ang ginawa ng nanay ay inereklamo sa DSWD at ipinatanggal sa trabaho ang dalawang kahera sa nasabing tindahan. Ang kanyang dahilan ay pantay-pantay lamang ang tingin ng bawat isang tindahan dahil ito ay isa sa tinatawag na “Panauhin.”
Nang natapos na ang kanilang transaksyon ay hinihingi na ni kahera ang booklet ng kanyang anak para bigyan ng PWD discount ngunit ang sabi ng nanay ay “Sapat na ang pag-asikaso mo ng tama sa aking anak, konti lamang ang aming binili. Para na din hindi na maabala pa.” At masaya siyang nagpaalam palabas ng aming tindahan kasabay ang kanyang anak na nakangiti sa amin.