Napakagandang balita.
Ilalagay sa pilot implementation ng Alert Level 3 ang Antipolo City at Rizal Province October 20 hanggang 31 ayon sa utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, Department of Interior at Local Government at Department of Health.
Pwede nang kalimutan ang mga community quarantine classifications (ECQ, MECQ, GCQ, MGCQ at iba).
Sa Alert Level 3 papayagang lumabas ang anumang edad para sa essential goods and services o kung papasok sa trabaho o opisina.
Papayagan din lumabas ang mga fully vaccinated seniors na 65 years old ngunit sa mga outdoor o al fresco dining lamang.
Mayroong curfew 12 midnight hanggang 4 a.m. pero exempted ang mga Authorized Persons Outside Residence (APORs).
Papayagan ang maximum 30% venue capacity para sa indoor at 50% para sa al fresco o outdoor.
Kailangan ang vaccination cards para mga venue para meetings, incentives, conferences at exhibitions (MICE); permitted venues for social events; visitor o tourist attractions; amusement parks, theme parks at recreational venues, cinemas at movie houses; at limited face-to-face or in-person classes para higher education at para technical-vocational education at training.
Ihanda rin ang vaccination cards para: in-person religious gatherings; gatherings for necrological services, wakes, inurnment at funerals; licensure o entrance/qualifying examinations; dine-in services sa food preparation establishments; personal care establishments; fitness studios, gyms at venues para non-contact exercise at sports; at film, music at television production.
Papayagan ang mga outdoor exercise sa lahat ng edad bakunano o hindi basta susunod sa minimum health and safety protocols.
Ang iba pang lugar na nasa Alert Level 3 ang: Cavite, Laguna, Siquijor, Davao City at Davao Del Norte.
Nasa Alert Level 2 naman ang Batangas, Quezon Province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Davao de Oro, Davao del Sur at Davao Oriental.
Sumunod ang mga lugar na ito sa National Capital Region na naunang ilagay sa Alert Level 3.
Isusunod ang natitirang lugar sa Pilipinas kapag naging tagumpay ang bagong Alert Level System.