LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Sinulat ni John Paul Saboriendo, Polangui
Isa sa magagandang naidagdag na Angkan sa PandayanBookshop ay ang Agham Pandayan.
Makakatulong ito upang mapadali ang paghahanap ng mga panauhin na kanilang gagamiting sa kanilang proyekto sa siyensya. Malaki din ang tulong nito sa paghikayat sa mga panauhin na mas maunawaan pa ang agham.
Ngunit sa hindi ko inaasahan ay may iba pa palang pwedeng maitulong ito sa ating mga panauhin.
Habang ginagawa ko ang sample ng aming agham, gumawa ako ng tatlong charts na nakalagay sa illustration board. Ito ay naglalaman ng digestive system, circulatory system, at parts of the brain.
Ilang araw pa noong handa na ang aming Agham Pandayan ay napansin ng isang panauhin na guro ang mga gawa kong chart.
Agad siyang nagtanong kung pwede raw ba siyang magpagawa nito sa amin.
Agad naman naming siyang pinagbigyan at ginawa ang kanyang hiling na pasadya na mga illustrative charts na may kinalaman sa agham.
Ayon rin sa aming panauhin ay maganda ang mga ganoong charts at nakakatulong sa pagkatuto ng kanyang mga estudyante.
Dahil sa madalas ang pagkawala ng kuryente dito sa Bicol, mas gusto ng panauhin ang mga illustrative charts sapagkat hindi rin daw siya nakakapagbigay ng maayos na lesson kapag walang kuryente at hindi magamit ang kanilang television.
Isa ito sa mga patunay na ang Pandayan Bookshop ay kabalikat ng pamayanan tungo sa kabutihan at karunungan. Katulad ng Agham Pandayan, nagiging instrumento tayo tungo sa pagkatuto at pagkalinang ng mga kabataan.