LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Franz Pineda, Ilagan
Sa buhay natin bilang isang Kapwa Panday ay marami na tayong experience na resulta ng ating mga mabuting ginagawa sa komunidad. Sa aking pagbabasa ng iba’tibang kwento sa Samalikha ay ‘di maikakailang hindi nabago ang mga kwentong mabuting tulong ng ibang tao nakakakilala sa Pandayan.
Nitong nagdaang Linggo nga ay naranasan ko rin ito at masasabi kong hindi na mas higit na sa tanda bilang Pandayan nagtatrabaho bagkus isang tanda ng mabuting mamamayan.
Araw-araw ang gamit ko sa pagpasok ay ang aking motorsiklo. Mas madali kasi at mas tipid sa gastos sa pang-araw-araw. Di nga kaila sa lahat na mainit sa mata ng mga Enforcer Pulis at LTO ang mga motorsiklo dahil sa dami ng maaaring violations na pwedeng ilagay kumpara sa mga sasakyan.
Madalas nga ang checkpoint ngayon sa boundary ng Gamu at Ilagan. Sa aking pagbiyahe pa naman ay madalas akong naka-suot ng jacket upang proteksyon ko sa init. Dahil nga dito madalas din akong ma-checkpoint at halos araw-araw nga sa aking pagdaan doon ay lagi na lang akong nasisita at hinahanap ang requirements sa pagmomotorsiklo.
Kaya halos araw-araw ring abala sa hinto at pagpapakita ng mga requirements sa mga tauhan sa checkpoint. Para sa akin naman ay tama lamang ang ginagawa nilang ito para ipa-implement ang tamang pag-gamit ng motorsiklo.
Nang minsan nga ay nakalimutan ko ang aking jacket sa pagbyahe. Naka uniform ako ng dilaw at may ID pa ako nang magbiyahe. Isa sa kapansin-pansin na lagi akong pinapadiretso ng mga nasa checkpoint at tila kilalang-kilalana nila ako. Halos paiba-iba rin naman ang naka-posting sa checkpoint. Dito ko nga nasabing ang dala kong uniform ay may tanda ng mabuting gawi at sumusunod palagi sa panuntunan ng government.
Kumbaga nakatanda na sa mga ito na hindi tayo gumagawa ng paglabag at hindi pagsunod sa nararapat. Nasanay sila na ang mga Kapwa Panday ay may mga mabubuting puso at walang bahid ng karumihan ang uniform.