LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Alexander Acorda, Sta. Cruz
Nitong nagdaang araw dagsa ang mga estudyante rito sa aming tindahan. Dahil siguro sa papalapit na bakasyon ay marami na ang ipinapagawa ng kanilang mga guro. Kasalukuyan akong nag-aayos sa lamanloob noong lumapit sa akin ang aming kapwa probee at nais magpa-review ng CCTV footage dahil sa may lumapit sa kanyang estudyante na nawawalan ng pera.
Noong makita ko ang estudyante ay bakas sa mukha nito ang pagkalungkot marahil iyon lang ang kanyang pambili rito sa aming tindahan. Kaya naman agaran ko itong ginawa at ni-review ang CCTV. Hindi naman ako nahirapan at agad kong nakita si Panauhin sa CCTV.
Pinanuod ko ito. Sinundan kung saang parte siya ng tindahan nagpunta ngunit dahil sa may mga hindi hagip ang kamera ay hindi ko nakita kung saan nawala ang kanyang salapi. Nang dahil sa ganoon ang naging sitwasyon ay agad akong nagpunta sa selling area kung saan siya mga nagpunta.
Sinusog ko ang bawat kanyang napuntahan. Nakasunod din sa akin si Panauhin at kitang-kita ko talaga sa mukha niya ang lungkot dahil napag-alaman ko mula sa kanya na iyon na lamang ang kanyang natitirang pera.
Hindi ako tumigil sa paghahanap dahil nais ko rin talaga siyang tulungan. Natagalan ng konti ang aming paghahanap at paglilibot sa selling area kaya nagpaalam siya sa akin na hayaan na raw ito at siya’y uuwi na lamang.
Hindi na ako nakapagsalita dahil agad niya akong tinalikuran at lumayo na pero patuloy pa rin ako sa paghahanap. Agad kong binalikan ang unang pwesto kung saan niya binuksan ang kanyang wallet. Sa aking paghahanap ay nakakita ako ng papel na nasa ilalim mismo ng shelves na parang piraso lang ng papel kung titingnan dahil nakatiklop ito. Agad ko itong pinulot mula sa ilalim at laking tuwa ko rin dahil iyon ang perang hinahanap ng panauhin.
Agad akong kumilos para habulin si panauhin na naabutan ko pa sa may pwesto ng aming guard. Agad ko siyang nilapitan para ipaalam na nakita ko na ang perang kanyang hinahanap. Kitang-kita sa expresyon ng kanyang mukha ang labis na pagkatuwa. Panay ang pasasalamat sa akin ni panauhin at agad siyang tumakbo para kunin ang item na bibilhin niya sa aming tindahan.
Noong nakapila siya ay napadaan ako upang magdisplay ng items namin. Nagpasalamat siyang muli. Ganoon din nang siya ay makapagbayad at hanggang pauwi ay panay ang pasasalamat niya sa akin. Natutuwa ako dahil may tao akong natulungan noong araw na iyon at labis ang pasasalamat sa simpleng tulong na ginawa ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakakatulong tayo sa kanila sa paraang naibabalik natin ang mahahalagang bagay na naiiwan nila sa atin tindahan.