LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni John Martin Beray, Canlubang
Minsan ‘di ko inakala, mapunta sa isang kumpanya,
Kung saan tinuturo, magandang halimbawa
Pag-uugali at kaalaman ay nahuhubog ng kusa
Talentong naitatago ay nailalabas ng sadya
Sa limang taon ng pagtatrabaho,
Malaki na ang aking pagbabago
Napaunlad ang sarili patungo sa pag-asenso
Magandang bukas siguradong aking matatamo
Hindi madali aking mga naging laban
Kaakibat ang sakit, mga karamdaman
Nagdaang panahon tila kailan lang
Puno ng hapdi at pag-aalinlangan
Pandemya man ay nagdaan, ang kompanya ako’y tinulungan
Sapat na pagkain sa hapag ‘di ko malilimutan
Kasama ang suporta ng mga tunay na kaibigan
Kapwa at tagapagpatupad na totoo at maaasahan.
Ngayong bagong kabanata aking sinusuong
Mga bagong pagsubok sa daan ko’y nagsiusbong
Mga bagong tungkulin man sa akin nakaatang
Gagampanan ko ito ng walang atrasan
Daanan man muli ng mga pagsubok
Lalaban at ‘di susuko
Dios ang aking sandigan, upang tagumpay ay makamtan
Saan man magdaan ay tiyak na may kalalagyan.
Pagpapakatao, Pakikipagkapwa-tao at Pagkamakatao
Panghahawakan, hindi magbabago
Kabutihan sa iba patuloy na ipapalaganap
Pandayan Bookshop, maraming salamat!