LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Dhess Labrador, Siniloan
Dahil sa medyo malayo ang aking biyahe kapag ako ay napapauwi sa aking pamilya at para ‘di mainip ay nakikipagkuwentuhan ako sa aking mga nakakasabay sa biyahe.
Habang ako ay pabalik sa trabaho ay sasakay ako ng UV at dahil sa nahihilo ako ay sa unahan, malapit sa driver o sa likod ng driver ako kadalasang pumupwesto.
Noong nagkataon na papuno na ang van at sa pinakalikod ako pinapapwesto ng dispatcher ay tumatanggi po ako at sinasabing sa susunod na van na ako sasakay dahil ako ay mahihiluhin.
Dahil sa madalas naman ako nagbabiyahe ay tinuro sa akin ang van na aalis ng pila at babalik na ng Tanay dahil malayo pa ang kanyang bilang. Sumakay na ako at umalis na nga po kami.
Ako lang ang sakay ng van kaya nagkukwentuhan po kami at sinabi ko nga po na “Kuya, lugi po ang biyahe mo ngayon at isa lang ang sakay ninyo.”
Sabi niya ay madalas ganoon ang nangyayari kasi kaysa tumambay na raw siya maghapon dahil 6 AM pa lang mga pang 21 pa siya sa pila. Baka abutin na ng 1 o 2 PM na siya makasalang. Mababawi naman na daw niya ito sa susunod kasi siya na agad ang nakasalang pagdating sa Tanay.
Nagtanong naman siya sa akin bakit ako nagmamadali dahil maaga pa at saan ako galing.
Sabi ko ay galing ako sa Valenzuela at pa Siniloan ako at doon ako nagtatrabaho. Ang layo naman daw. Lugi na sa pagod at pamasahe sabi niya. Sagot ko naman ay hindi ako lugi dahil mapagmahal at may malasakit ang kompanyang aking pinapasukan. Libre pamasahe ko at nire-refund ito sa amin.
Pati ang bahay na aking tinutuluyan ay sagot ng kompanya. Tinanong niya kung gaano na ako katagal sa kompanya at noong sabihin ko na 20 years na ako ay nagulat siya.
Sinabi niya, “Magangdang kompanya nga ang iyong napasukan at tumagal ka ng ganyang katagal.”
Sabi ko na ‘di lang maganda, sobrang ganda. Ilan sa ating benefits ang nakwento ko sa kanya at sobra siyang na amaze, kagaya ng outing kasama pamilya, scholarship subsidy para sa mga anak, health card, pabigas kada kaarawan, mataas na pasahod at monthly incentive.
Sobra siyang natutuwa at namamangha. Kung lahat daw ng kompanya ay kagaya ng Pandayan malamang lahat ng empleyado ay masaya at siguradong tatagal. Sabi niya na pagnaka-graduate ang kanyang anak ay kanyang papa-apply sa Pandayan.
Napangiti ako at sobrang proud na kabilang ako sa Kapwa Panday.