LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Renzel Laygo, Cabuyao
Isang regular na Panauhin ang nakapansin ng aking suot na 30th Anniversary T-shirt habang siya ay aking ina-assist. Napatanong kung totoo raw ba na tayo ay nasa 30th Anniversary na dahil parang iilang taon pa lang daw ang Pandayan dito sa Cabuyao.
Sinagot ko naman ito ng “Opo, Ma’am.Taong 1993 po itinatag ang Pandayan na nagsimula sa Caloocan.”
Pagkatapos nito ay medyo marami pa siyang tinanong tungkol sa atin at makikita na manghang-mangha siya na tayo ay nakaabot na ng ganitong katagal. Parang bago pa raw kasi ang ating kompanya. Nang sinabi niya ito ay napatanong din ako sa kanya kung paano niya ito nasabi.
Banggit ng Panauhin na parang hindi nawawala sa uso ang ating mga tindahan. Sa tuwing pupunta raw kasi siya sa ating mga sangay ay lagi siyang may nakikitang bago o “in” sa panahon ngayon, mga paninda o mga disenyo man ito.
Sa tagal na raw kasi niyang consumer ay halos nakita na niya ang iba’tibang klase ng tindahan. May ilang tindahan o kompanya raw kasi na napapansin niyang nalalaos na kapag tumatagal na ng ilang taon.
Hindi raw katulad ng Pandayan. “Napakagaling talaga ng Pandayan,” wika ng Panauhin. Sinasabi niya ito nang nakangiti at ako naman ay napangiti din sa aking mga naririnig.
Dahil sa ating patuloy na pagharap sa pagbabago at sa patuloy na pagbibigay ng bagong ideya, ang bawat kapwa ay nakakasabay sa pagbabago ng panahon. Nagiging dahilan din ito upang hindi magsawa ang mga Panauhin na bumalik ng bumalik sa ating tindahan bukod sa ating magandang serbisyo. Dahil bilang isang sektor na nasa customer service ay mahalaga na mapaghandaan at magbigyan natin ng kasiyahan ang mga Panauhin na pumasok sa atin tindahan.