LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Gladys Principe, Bayambang
Natapos ang sampung araw ng unang batch ng Work Immersion ng mga mag-aaral mula sa Bayambang National High School sa atin. Masaya kaming naibahagi sa kanila ang ating Kultura ng Tagumpay kung saan ay naging interesado sila mula noong unang araw na nag-lecture kami patungkol dito.
Nagbahagi sila ng kanilang mga karanasan at talento sa atin. Si Jerica ay mahusay sa pagpapaliwanag gamit ang kanyang buhay na imahinasyon at naiiugnay niya ito sa kanyang pag-aaral maging sa pag-duty sa ating tindahan. Si Jhaztyne naman ay medyo tahimik pero mahusay sa pagsusulat. Malalim ang pakahulugan sa pagpapakatao ng mga Panday.
Sa araw-araw na pag-uusap namin ay batid kong nauunawaan nila ang ating kultura. Nasambit pa nila na “hindi lang basta establishment ang Pandayan, kundi isang pamilya.”
Nakakatuwang maramdaman na sa maikling panahon ng pagsasama-sama namin ay naramdaman nila ang samahan sa tindahan.
Ipinabatid rin namin sa kanila ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng Kapwa sa tindahan. Nagulat pa nga raw po sila na bakit ang manager ng Pandayan ay nakikisabay sa pagkain sa mga OJT na katulad nila.
Ang ibang kaklase daw po kasi nila ay sila-sila din ang nag-uusap at magkakasamang kumakain. Naikukuwento rin nila sa kanilang mga kaklase kung paano ang samahan natin sa Pandayan na parang nagtataka raw ang kanilang mga kaklase na bakit daw po kami ay ka-close nila.
Nasambit din nila sa amin na masuwerte daw po sila at sa Pandayan sila nakapag OJT dahil mas nakilala nila kung ano ang Pandayan at naging inspirasyon pa po nila ang palakad nina Boss JVC at ang pagturing nito sa mga Kapwa, ang kababaan ng loob at pagiging pantay sa mga Kapwa ng mga boss ay talagang kanilang lubos na hinangaan.