LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Arjay Coronado, Sariaya
Ang pagkakaroon ng bahay at lupa ay pangarap ng lahat kaya’t karamihan sa ating kapwa Pilipino ay napipilitang mangibambansa kapalit ng pag-iwan nito sa kanilang mga pamilya.
Ngunit sa Pandayan Bookshop ito ay kasama sa Pangarap Para sa Panday, na para sa akin ay isang tunay at buhay na hangarin para sa kapwa.
Sa tatlong taon kong nagtatrabaho sa Laguna bilang isang regular din sa isang kompanya na may maayos na pasahod at sapat na benepisyo, nahirapan akong makamit ang pangarap na mapaganda man lang ang aming bahay.
Ngunit noong mapunta ako sa Pamilyang Pandayan na may matinding malasakit sa kapwa, sa loob ng 2 taon sa tulong ng tamang pasahod at sobra-sobrang benepisyo, unti-unti kong napagawa ang aming bahay.
Bahay na minsan na ring pinangarap ng aking mga magulang. Sa inipong incentive, sahod at iba pang benepisyong ibinibigay ng Pandayan, ang dating pangarap lamang ay unti-unting nagkakaron ng katuparan, na hindi nangangailangan ng pag-alis ng ating bansa.
Basta may sipag, tiyaga, at disiplina sa sarili, ang bawat pangarap ay hindi imposible lalo na kung may kompanyang marunong magmalasakit sa bawat kapwa, katulad ng Pandayan Bookshop. Ang pangarap ay natutupad habang kasama natin ang ating pamilya sa sarili nating bayan.