LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Azel Caguite, Gumaca
Nitong nakaraang araw po ay papasok po ako ng Pandayan ay sumakay po ako ng tricycle at may nakasabay po akong isang naging panauhin na rin po natin sa Pandayan. Hindi ko po alam ang kanyang pangalan. Kinausap niya po ako at kinamusta na parang kami po ay talagang magkakilala.
Sinagot ko lang po ang kanyang tanong at siya na po ang nagbanggit na naasikaso ko nga raw po siya noong siya ay bumili sa atin.
Una po siyang bumaba sa tricycle at siya na po ang nagbayad ng aking pamasahe. ‘Wag na raw po akong tumanggi dahil pasasalamat niya na raw po iyon at alam niya rin na ‘di tayo natanggap ng tip sa Pandayan.
Kumaway na lang siya at nagpasalamat ulit sa’kin. Ako po ay nagsambit na rin ng malakas na salamat dahil umandar na po yung tricycle. Nakakataba ng puso ang makaranas ng mga ganito. Dahil po sa ating pagtrabaho at pag-aasikaso ng maayos sa ating mga panauhin ay nabibiyayaan po tayo na makaranas ng mga ganitong pakiramdam na talagang nakakadagdag inspirasyon upang mas pagsilbihan at pagbutihin pa ang ating mga ginagawa.