LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Rommel Donesa, Malinta
Sa 10 taon ko sa Pandayan ay iyan ang aking mga natutunan. Kahit marami na akong mga nagawang likha ay lagi pa rin nakakataba ng puso kapag nabati ang aking mga likha. Isang bangko ang lumapit sa amin para magpa-decor ng kanilang stage para sa Christmas party na gaganapin sa isang restaurant dito sa Valenzuela.
Kahit kasagsagan ng dami ng tao ay pinilit kong mapagbigyan ang kanilang hiling. Kasama ang dalawang Kapwa ay pinuntahan namin ang nasabing restaurant upang simulan na ang pag-aayos ng kanilang stage.
Kaya ko rin sinama si Kapwa Lyka ay para ibahagi ang aking kaalaman at matutunan niya kung paano ginagawa ang nasabing pasadya.
Noong natapos namin ay sabi ng isang empleyado nila ay ok na ito. Pero dahil nga sa ang Panday ay hindi na kokontento sa pwede na ay nag-isip pa ako ng paraan kung paano pa mas mapapa-bongga ang decor gamit ang limitadong gamit na mula sa kanila. Dito nila napatunayan na hindi lang tayo basta gumagawa. Tayo ay gumagawa ng galing sa puso.
Tuwang-tuwa sila sa kinalabasan at mas higit pa raw ito sa kanilang inaasahan. Doon pa lamang ay natanggal na ang aming pagod. Ang Panday ay hindi nakukuntento sa pwede na. Ibibigay niya ang pinaka-best para sa lahat ng ginagawa.