LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Jonas Adrian Arellano, Los Baños
Madalas natin tinutulungan ang ating mga panauhin sa pamimili sa atin tindahan. Sa pamamagitan ng pag-assist sa kanila, pagbibigay ng suggestion o payo at maging sa kakulangan nila sa pambayad sa kanilang pinamili.
Marami na akong na-encounter na mga panauhin na kulang ang kanilang pambili. Madalas ay mga bata o estudyante. Kung minsan ay kulang ng piso o higit pa.
Kaya ang aking ginagawa, lalo na at alam kong kailangan talaga nila, ay inaabonohan ko na muna ang mga ito. Dahil nakakahabag din naman kung hindi nila mabibili ang kanilang bibilhin lalo na at kailangan nila talaga ito.
Nito nga lang nakaraan ay bumili ng paper bag ang aming kakilala na panauhin.
Siya ay tindero ng lugaw sa ibaba lang ng aming tindahan. Siya ay inutusan ng kanyang lola na bumili ng paperbag. Pagbabayad niya sa akin ay 40 lang pala ang kanyang dalang pera at kulang ng 5 piso para mabili ang paper bag na kanyang napili.
Sambit niya ay “Kulang pala ang dala kong pera. Pabili lang kase sa’kin ‘yan.”
Agad ko naman sinabi, “Sige, okay lang.”
Ako na muna ang nag-abono para ‘di na siya bumalik at mabili niya na ang paper bag na pinabili ng kanyang lola. Ginawa ko iyon dahil kung minsan ay kumakain kami sa lugawan niya at mabait din siya sa amin.
Nagpasalamat naman ito ng marami sa aking ginawa. Masarap makatulong kahit sa simpleng paraan lang o kahit sa maliit na halaga lang lalo na at ang ating natulungan ay na-appreciate rin ang ating ginagawa.