Bumisita si movie, television at social media star Vice Ganda sa Antipolo City upang i-promote ang kanyang pelikulang Partners in Crime na ipapalabas sa 2022 Metro Manila Film Festival sa December 25.

Nag motorcade si Vice mula SM Cherry Antipolo hanggang Sumulong Park sa poblacion kung saan nagkaroon ng programa. Mainit na tinangkilik ang programa ni Vice – nanood ang tao live, at pati na rin sa Facebook live – kahit na ilang oras din inabot.

Napakahaba ng motorcade na dinumog ng taong bayan ng Antipolo habang ito ay umiikot sa ibat ibang sulok ng Antipolo City.

Nagsimula ito sa SM Cherry Antipolo at dumaan sa Cogeo, Gate 2; NHA, Ivory; Olalia Road; Sumulong Street; J.P. Rizal; P. Oliveros; General Luna; balik sa Sumulong Street; Sto. Niño; C. Lawis; Bonifacio; balik sa P. Oliveros; M.L. Quezon at nagtapos sa Sumulong Park.

Noong 2019 huling bumisita at nagpasaya si Vice sa mga Antipoleño. Muli siyang bumalik sa Pilgrimage Capital of the Philippines kung saan mainit siyang hinarap ng taong bayan.

Tunay nga siyang “Unkabogable Phenomenal Box Office Star!”.

Sinabi niya na malaki ang parte ng Antipolo sa kanyang puso. At dahil dyan, mismong Antipolo sila nag-shoot para sa kanilang movie na Partners in Crime.

Kasama ni Vice Ganda sa Partners in Crime si Ivana Alawi. Ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Kaya naman huwag kalilimutang isama na ang barkada at pamilya at sama-samang panoorin sa mga sinehan ang Partners in Crime sa December 25.