LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Jingle B. Soriano – TUM88
Bihira lang ang kompanya na may malasakit sa kanilang mga empleyado. Itinuturing ko na ang Pandayan Bookshop ay isa sa pinakamagandang kompanya na aking pinagtrabahuhan dahil hindi lang pansariling interest ang umiiral kundi ay iniisip din nila ang kapakanan ng bawat Kapwa na nagtatrabaho dito.
Hindi nila pinapabayaan na ang mga Kapwa ay naghihirap sa panahong ito lalo na noong nagsimula ang lockdown.
Ipinaramdam nila ang kanilang pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng pandemic allowance sa bawat Kapwa regular at pagbibigay ng advance 13th Month Pay.
Naging malaking tulong ito sa amin dahil sa mga panahon na iyon ay kinakailangan talaga namin ng pera para sa pang araw-araw na gastusin.
Ngayon, ito naman yung oras upang makabawi man lamang sa mga magagandang ginawa ng Pandayan sa akin/amin, ang pagpapahalaga sa trabaho sa bawat araw at oras na lumilipas. Magkaroon ng malaking benta sa panahon ng pandemya.