LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang kapwa panday ng Pandayan Bookshop

Joanna Rio A. Dalit – Tilap ng Pakikipagkapwa

NEW NORMAL

Sa Panahon ng Pandemya, nakakamiss ang mga bagay na dati ay kinukonsidera mong basic task. Pero dahil sa new normal na ito ang mga pinaka simpleng bagay na mga ito ay hinahanap hanap ng sistema mo. Mula sa pagkausap ng mga aplikante, field works, orientations, seminars at face to face events. Mga nakasanayan mong gawin ngayon ay nalimitahan na.

Napakalaking tulong ng Pandayan Bookshop bilang isang matatag na sandalan sa mga panahon na ito ng Pandemya.

Natutunan ko lalong pahalagahan at pasalamatan ang trabahong meron ako, maging sa mga Aral at Kulturang iminulat sa atin para maging mas maayos ang takbo ng pag-iisip sa mga pagkakataong dumadaan ka.

At sa mahirap na sitwasyon at pagtuturo ng pagsabay sa agos ng pagbabago. Naging kaakibat ko ang Pandayan Bookshop para maka survive sa buhay at sa New Normal na ito.